ITONG
barkada, na nabuo noong unang taon ng ating sangkatutak na mga gala, noong
hindi pa pinagbabawalan sa mga lakad na ito ang mga taong-bahay, ay nanatili sa
kabila ng pagkaabala at pagkakalayu-layo. Kasundo nila ang mga magulang at
lalung-lalo na ang mga kapatid, sila ay kakwentuhan at kapalitan ng mga
tsismis, sila ang sumbungan ng lahat ng pinoproblema, kaya’t dahil dito’y
marami ang nakakaalam ng lahat. Lalaki’t babae at pati mga hindi ay maaaring
makaakma at makasunod sa kwento nating magkakaibigan.
Dumating
ang mga taga-kolehiyo at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat
na diumano, tayo'y tutulungan sa lalong kagalingan, at lalong pabubutihin ang
ating mga marka, ang nasabing bagong kaibigan ay nangyaring nagpalabo sa
koneksyon ng kanilang barkada sa una. Gayon man, tayo’y nananatili sa matibay
na pagsasamahan ng mga kaibigan na sinasaksihan at pinapatatag ang kanilang
buklod sa pamamagitan ng ilang pagkikita na kukumuha ng kaunting oras sa
kani-kanilang mga iskedyul, at yao'y sinusulit
nilang barkada , tanda ng tunay at lubos na paghahangad na hindi magkalimutan
sa barkadahan. Ito'y siyang ginagamit na pampuno ng oras at panahon na nawala
sa kanila.
Buhat
nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa ilang buwan na ang tropa ay
ating binubuhay sa kakarampot na pagkikita; ating pinagkakasya at pinatatagal, kahit
abutin natin ang gabi at madaling-araw. Inuubos natin ang pera, pawis at oras
ng isa’t isa sa pagdadaldalan sa tabi-tabi; kinakahamok natin sampu ng sermon
ng mga magulang na ayaw pumayag na sa kanila ay humingi ng pera, at gayon din
naman nakipagbaka tayo sa mga pagsusulit at mga gawain na nagbalak na pumigil
sa atin sa paggimik.
Ngayon,
sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaibahang
ibinigay sa ating barkada? Ano ang nakikita nating pagbabago sa ating samahan
na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang kalokohan ang
nangyari sa ating mga usapan. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong libre
ay lalong mabubura sa memorya. Bagkus tayo'y umasa, inuto tayo sa kanilang hamak
na biro, pinilit na tigilan ang pagbabasa at paggawa ng ating takdang-aralin. Nalunod
lang tayo sa napakaraming madramang kwento at nabusog sa kalokohan ng barkadang
bahagi ng ating buhay.
At kung
tayo'y mangahas lumiban ng kahit isang pagkakataon, ang nagiging kasagutan ay
ang tayo'y asarin at iwan sa gitna ng ating barkada na makukulit, maiingay at mahihilig
gumala. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na
isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng malulupit na
pangonsonsensya.
Ngayon,
wala nang regular na iskedyul sa ating paggala. Ngayon, lagi nang abala ang
ating barkada sa dumaraming takda at proyekto, trabaho at gawain ng organisasyong
kinabibilangan, pagsusulit at mga pananagutang iniwan ng mga palautos na
magulang.
Ngayon,
tayo'y magsasawa na sa ordinaryong gawain ng barkada sa pag-aaral na
pinagkakapuyatan ng lahat, sa pagtulog ng madaling-araw na gawain ng marami, na
ang bawat oras ay katulad ng isang mahalagang pagmamay-ari na ginagamit sa kapakinabangan
ng sarili. Ngayon, lalo't lalo tayong nawawalan ng panahong magkita sa bawat panahong
may selebrasyong nakatakda.
Ano ang
magagawa nating barkada?
Ang bahay
ng kaibigan na pinakamalapit sa lahat ay malinaw na pagdadausan ng ating mga
galang walang kasiguraduhan ang oras na dapat nating sundin. Ang araw niya'y
nakasalalay sa ating mga bakanteng oras upang makita natin ang mga kaibigang
nagdamot ng kanilang oras sa ating mga matagal nang ‘di nakakasama.
Ipinapahiwatig
ng barkada na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong pagkikita,
lalo't lalong pagkukwentuhan, lalo't lalong pagtatawanan, at lalo't lalong
pagkukulitan.
Itinuturo
ng barkada na huwag nating sayangin ang oras sa pag-iisip sa ipinangakong
panlilibre na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo
ng barkada na tayo'y maghintay sa ating
tagpuan at huwag iwan sa ere ang ating mga kaibigan.
Itinuturo
ng barkada na tayo'y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo'y
magkalakas na maihanap ng oras ang naitakdang gimik sa ating iskedyul.
Panahon
na ngayong dapat na magkasundo ang oras ng uwian.
Panahon
nang dapat nating ipakita na tayo'y may sariling kagustuhan, may kusa, may
kooperasyon at pagdadamayan.
Ngayon,
panahon nang dapat simulan ang paggamit ng mahalaga at kaunting oras sa
pinakamainam na paraang na naayon sa ating prioridad. Panahon na ngayong dapat malaman
ng mga tao ang kahalagahan ng kanilang mga kaibigan. Araw na itong dapat malaman
na sa bawat hakbang natin ay nakakakilala tayo at nalalapit sa tunay na grupo
ng tao na sa atin ay inaagaw ng mga kaaway.
Kaya, O
mga kaibigan! Ating pahalagahan ang pinagsamahang panahon, at kusang igugol sa
pagkakabuklod ang ating oras sa tunay at lubos na paniniwala na magtatagal sa pagkakaibigang
nabuo ng matibay na pagsasamahan.
0 comments:
Leave a Comment